Thursday, 23 May 2013

Balik sa pagkabata (back to childhood)

I am posting here the regular Thursday Qs from my naw egroup to lighten up the midweek. It is so fun to reminisce. Here goes...

Balik sa pagkabata!!!

1. What was your favorite game when you were a child?
PATINTERO, Tumbang preso, dodgeball, siatong

2. Who was your best friend in pre-school? In grade school? In the
neighborhood? (At naalala ko yung commercial na... Sino best friend mo
doon? LOL!)
Grade school - Grace Fe Canlas - a Pastor's kid, siya nag introduce sa kin about being a true Christian.


Neighbor - si Tina, she's a Japayuki before, I wonder where she is now. She's the one who always saves me pag naglalaro kmi ng dodgeball.

3. Lumalabas ka ba at naglalaro sa kalye? Kwento!!!
Yes, we live in a tiny neighbourhood, but there's a wide open area at the end of the street that we call bukid. They put a fence there but we still manage to climb the wall and play there until the sun sets.

4. What was your favorite childhood chichirya?
CHIPPY. Yung nakalagay pa sa plastic na bote. At yung Texas bubble gum.

5. What was your favorite TV show when you were a kid
VOLTES V at CANDY CANDY (inbot ba ninyo to???)


6. Share childhood memories that stand out (oo, kahit ilan, wag lang yung
aabutin ako bukas kakabasa).

1.minsan habang naglalakad sa daan na me naglalaro ng mga bata, nakapulot ako ng Beinte singko, tapos ask ko yung mga bata Kung kanino, walang sumagot, so siyempre, finders keepers, tpos nung mag 6 pm na, me dumating sa Harap ng bahay namin na bata kasama yung magulang at kinukuha yung napulot kong pera, ask ko siya Kung San Niya nawala or naiwan di naman siya makasagot, tapos nagalit yung nanay sa kin at Sabi " lintek kang bata ka, iBigay mo na pera ng anak ko", so ang ginawa ko, di ko alam Kung out of fear or inis, tinapon ko yung pera sa kanila tpos biglang Sara ng pinto para di nila Makita ksi madilim na...hahaha, very vivid yun memory ksi feeling ko eto yung first time that I stood up for myself khit bata pa ako, mga 7 cguro.i know what I did was bad pero nainis ksi ako dun sa nanay, di ba dapat bata sa bata Lang para fair at dapat makiusap silang maige.

2. I was the eldest at ang rule sa kin dati, bago ako maglaro sa labas dapat na tapos ko na homework, at gawaing bahay (Hugas Plato, walis, Minsan plantsa ng lampin at Pakulo ng bote), I learned the value of time management at reward system that early, at khit na pagod e sobrang na appreciate ko yung playtime sa labas. Yung mga laro nung Araw develop our strategic thinking, pinagpapawisan ng sobra kaya talagang physically nakatulong, pati na rin teamwork at pagtanggap kapag natalo. Kaya Lang Minsan bitin ksi me curfew nung Araw at dapat pagkagat ng dilim NASA loob na ng bahay.
Isa pa palang di ko nakakalimutan na ginagawa ng nanay ko pag naglalaro kmi, pinapapunta Niya sa bukid yung kapatid ko para isumbong sa kanya Kung taya ba or balagoong ako, ksi ang Gagawin Niya pupunta siya dun kasama pa yung baby kong kapatid para tawagin ako, Minsan me pagalit or papengot effect pa, pero ang talagang reason is para maalis na ko sa pagiging taya. Most of the time, yun na rin ang time para matigil na ang laro at uwian na mga bata ksi kulang na sa players, at lahat sila magagalit sa nanay ko. Hahahaha.

3. I played boys games, like text eto yung parang komiks in little cards, me favorite pa ko dun sa deck of cards na yun to make PATO, yung GOMA or rubber bands at labanan ng mga gagamba or spiders na nakalagay sa matchbox. I remember magaling ako sa mga larong Ito ksi, box box ang mga nakokolekta ko na text, GOMA at gagamba, at natigil Lang yun nung muntik nang magkasunog sa room Kung saan nakalagay ang stocks ko. Pinagbawalan na ko maglaro ng boys games at tinigil ko na rin ksi binilhan na ko ng palayok na lutu lutuan.


At dahil so far lahat ng Thurs Qs ko end with a letter...
I
*Sorry, alam ko ang lapit sa mahiwagang salamin but I think this is a
really good thing to ask ourselves.*

7. Knowing what you know now about life, if you were to talk to your
childhood self, what would you say?
Life is hard and your childhood is different from other kids ksi sila mayaman, maraming laruan at me katulong na nagaalaga sa kanila, Hindi ung Ikaw na bata pa rin Ay nagaalaga din ng mas maliit pang kapatid but don't be sad, whatever you are experiencing now will equip you to a better life someday. Enjoy hardwork and the rewards that comes after every task. Mas feel kapag ang Oras Ay ginugol sa makabuluhang bagay. Bawat Oras Ay mahalaga, magbasa, maglaro, tumulong, me mas malaking reward ang naghihintay sa yo.

No comments: